Friday, February 4, 2011

the man who can't be moved

so since na nakwento ko n nman ang 2ngkol sa sarili ko, this time i'll introduce the members of my family... so let me start of with my tatay

ang tatay ko ay pang 5 sa anim na magkakapatid, ang kanyang nanay ay isang mananahi at ang kanyang tatay ay isang karpintero nmn... wla akong masyadong alam sa tatay ko kasi sobra siyang tahimik...
sa simula pa lang ay namulat na siya sa kahirapan... maagan siyang nagbanat ng buto upang makatulong sa magulang... at dahil sa kalagayan nila sa buhay ay napilitang tumgil ang aking tatay noong High school pa lamang siya upang pagbigyan ang nakakatatanda niyang kapatid na babae... nasa college noon ang ate niya at siya ay nasa high school...




dumating sa pamilya ng aking tatay ang isang malaking pagsubok, halos wla silang pera noon at wlang matakbuhan, at noong panahong hirap sila ay doon din sila iniwanan ng kanilang ama, at dahil dito ay nagtanim siya ng sama ng llob sa kanya...
makalipas ang ilang taon ay bumalik ulit at ama nila at kanilang muling tinanggap... ngunit dahil sa sama ng loob ay di na niya ito masyadong pinapansin at kinikibo..
hindi na muling nakabalik sa pag-aaral ang aking tatay at napagpaspayahan na lang na magpakasal sa aking nanay kahit sa mura nilang edad...

lahat na siguro ng klase ng trabaho ay ginawa na aking tatay, karpintero, driver, mangingisda, magsasaka, kargador, mekaniko at tagapag alaga ng mga baboy, ginawa niya lahat ng ito upang may makain lang kami sa araw-araw, at dahil hindi nakapagtapos ang aking tatay ay di laging permanente and kanyang trabaho at ito ang nagiging dahilan ng pag-aaway ng aking nanay...
di ko masyadong nakilala ang aking tatay, dahil sa tahimik siya at tahimik din ako di namin nagawa na magkwntuhan lamang o mag usap sa kung ano mang bagay bagay... isa na ring dahilan ay ang maaga kong pagkakahilway sa knila, after ng elementary ay umalis muna ako sa knila upang manirahan sa aking tiya at doon nag-aral.

"when i was younger i saw
my daddy cry
and curse at the wind
he broke his own heart
and I watched
as he tried to reassemble it"

pero kahit maikli lamang ang panahon nag aming pagsasama ng aking tatay ay napatunayan ko na kung  gaano niya kami kamahal partikular na ako...

di ko makakalimutan ung araw na nanalo ang sa isang patimpalak kahit na hindi ako ang nanalo ay naiuwi ko nmn at ang ikatlong pwesto at nakapag-uwi ako ng tropeo ng umuwi ako ay tuwang tuwa siya at buong pagmamalaki na ipagsigawan sa kapitbahay ay isinasabay pa ang pagtaas ng aking tropeo... PROUD siya sa akin..



ang isa pang gusto ko sa tatay ko ay buong puso niyang pagtanggap sa pagkatao ko... di ko man inaamin sa knila ang pagkato ko ay alam ko na alam nila na di ako isang ganap na lalaki... pero ni isang beses ay di ako nakarinig ng panghihinyang o pangungutya mula sa aking tatay... buong puso niya akong tinanggap kahit di niya sinasabi sa akin iyon... dahil ramdam na ramdam ko...

natutuwa ako sa aking tatay dahil di siya katulad ng ibang tatay ng mga kagaya ko... na inaalipusta at ikinakahiya sila dahil sa pagiging di tunay na lalaki...

nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit kami salat kami sa buhay ay binigyan niya ako ng isang tatay na sa kabila ng pagiging tahimik ay lagi niyang pinararamdam sa amin ang pagmamahal niya at ang lawak ng kanyang pang-unawa lalo na sa akin...
maswerte ako sa kanya dahil di ako nakaramdan ng kalupitan dahil sa di pagiging tunay na lalaki...

LOVE YOU tatay! kahit di ko man nasasabi ito ng personal sana maramdaman mo man lng...

"The greatest gift I ever had came from God, and I call him Dad!"

*** pics are from google.com

2 comments: